pucha. di ako makapag-facebook ng matino. ang hina naman kasi ng connection sa internet dito sa`min. tsk! nakakainissss. grrrrrrrr. kumusta na kaya yung pet kong si memoi..huhu. sigurado akong nilalangaw na naman `yun. kasi naman eh.
wala rin akong masyadong ginagawa at sa totoo lang BAGOT BAGOT NA PO AKO! hindi na `ko makapaghintay na pasukan na ulit. hehe. andami ko ng gustong gawin. lalala. uo, balak ko ng mag-aral talaga ng mabuti. as in yung tipong nagte-take down ng notes, hindi nagbo-boyfriend at kontento na sa pa-crush-crush lang, uuwi ng maaga at gagawin lahat ng assignments bago mag facebook, at higit sa lahat makinig sa mga klase at saka lang magti-text pag tapos nah! hahaha. seryosong edukasyon muna mga pards.
pru di nga..ang hina talaga ng connection..huhu.
adik na talaga ako sa world wide web. ewan ko ba. gusto ko na nga magkaroon ng sarili kong laptop (ambisyosa!). Balang-araw, haha! Yan talaga una kong bibilhin pag nakapag-trabaho na `ko. O di kaya eh pag may naloko na akong foreigner sa internet. hahaha! :P naman! (may ganun?!).
siyanga pala. tumataba na ako dito. waaaaa. eh kasi naman po ang nanay ko eh walang limit pagdating sa pagkain. Basta pagdating diyan, eh nako..talagang hindi kami pinagdadamutan. hehe. napagkakamalan na tuloy akong buntis :( yung tiyan ko lang kasi lumalaki. haayyyy. ewan.
bored to death na talaga ako dito. yung bestfriend ko naman na nasa cdeo, bigla na lagn nawawala pag nagtitext kami. nakakairita minsan. kaya ako naman itong si gaga. emote ng emote kasi nga walang nagtitext. huhu. umiyak pa ako. naks! EMOOOO!
hayyyyy...konting tiis na lang. makakabalik din ako sa sibilisasyon.waaaah! :D
..harvesting time..buti na lang nag load ang farmville. weeee..sinuswerte pa rin naman ang lola nyo.