FLAMES TO DUST.
"i miss you". I long to say these sad words to her. But i guess it would be useless anyway. She's so engross with her boyfriend that i think she forgot that im still here..supposedly, her bestfriend.
31.8.09
28.8.09
MASARAP BALIK-BALIKAN.
Nung hiskul pa `ko, mahilig ako sa mga noyping banda pero ewan ko ba nung tumuntong ako ng college parang nagsawa na ako at nagsimulang tumangkilik ng mga hind-sariling-atin na mga banda. Naalala ko pa noon, napapa-headbang ako agad pag naririnig ko yung CHICKSILOG ng KAMIKAZEE. Napapangiti naman ako pag tumutugtog na ang PAROKYA NI EDGAR. At napapa-emote pag kinakanta ang GEMINI ng SPONGECOLA.
..nakaka-miss din pala.
Kaya ngayon muli akong makikinig at sisimulan ko sa Silent Santuary, ang bandang minsan pa mandin ay pinakilig ako ng todo-todo at nagdulot sa `kin ng munting saya sa tuwing napapakinggan ko ang mga kanta nila. (:
27.8.09
HARANA.
soundtrip mode na naman ako (: at dahil feel kong magpaka EMO ngayon, hinayaan kong ang Secondhand Serenade na haranahin ako. Tama baang term ko? :D .
♥MAYBE
There goes my ring,
it might as well have been shattered.
And I'm here to sing
about the things that mattered.
About the things that made us feel alive for oh so long.
About the things that kept you on my side when I was wrong.
♥YOUR CALL
'Cause I was born to tell you I love you,
and I am torn to do what I have to,
to make you mine.
Stay with me tonight.
♥VULNERABLE
Share with me the blankets that your wrapped in
because its cold outside cold outside its cold outside
share with me the secrets that you kept in
because its cold inside cold inside its cold inside
and your slowly shaking finger tips
show that your scared like me so
let's pretend we're alone
and I know you may be scared
and I know were unprepared
but I don't care
I was born to tell you I love you
isn't that a song already
I get a B in originality
and it's true I cant go on without you
your smile makes me see clearer
if you could only see in the mirror what I see
SHOUTOUT SA FS.
blank ang inilagay ko dun kasi baka mabasa niya (although mukhang hindi ata kasi di nag.iiFS yun..hmp! pero buti ng makasiguro..hehe.)..
SHOUTOUT: i think im in love with my BESTFRIEND.
cookies `n cream,
PRINCE.
HAPII FIESTA CAGAYAN DE ORO!
(kainan na naman `to..hehehe!)
Fiesta ng Cagayan de Oro city ngayon. Holiday. WALANG PASOK! Pero ewan ko ba kung anong nakain ko at gumising ako ng maaga, kumain, naligo, at sinuot ang uniform ko at VOILA! i'm ready for school. Ng sumakay na`ko ng motor, tinanong na kaagad ako ni mamang driver kung may pasok ba talaga kami ngayon. Hala! Mukhang nakikinita ko na ang campus na walang katao-tao. Pero tinawanan ko lang ang tanong ni mamang driver. Sinabi ko na lang na "ewan ko kuya, wala naman kasi akong narinig na announcement kahapon na talagang walang pasok ngayon". Tumawa na rin siya. Nang palapit na ang sinasakyan kong motor sa labas ng school namin, dun ko naisip na "tsk! nalintikan na! wala talaga!". Tumawa na naman si mamang driver at sinabing "wala nga" (sige..tawa ka lang..ipamukha mong sumablay na naman ako! tsk! ) . Mga guard lang nakita ko dun, half-closed pa yung gate. Nakita ko pa yng crush ko nung 1st year college na nagtatapon ng basura mula sa internet cafe na pinagtatrabahuan niya. Kinabahan din ako dahil baka makita niya ako kaya sinabi ko na lang kay mamang driver na doon na lang ako bababa sa may Water District sa unahan. Ng makababa na`ko, pinuntahan ko na lang yung friend ko na si Lorraine. Malapit lang kasi ang tinutuluyan niya doon. Doon na`ko nagpalipas ng oras..hehe! Pinag-aralan ko yung chords ng "YOUR CALL" ng The Second Serenade. Tawa ako ng tawa kasi di ako marunong mag-gitara..nahiya ako sandali. Pero pagkatapos kong halungkatin ang make-up kit niya at halos ubusin ang chocolate na inalok niya sa`kin..umuwi na rin ako.
At dahil sa wala akong magawa sa bahay..ito na naman ako ngayon. Tumitipa sa keyboard para isulat ang blog na`to at saka para na rin i-share ang mga pictures ko matapos akong mag camwhoring.


..hmm..fiesta ngaun pero parang Biyernes Santo.
..rarampa na naman ako mamaya..haha! baka may masasagupa na naman akong kainuman..tsk! pero uunahin ko muna yung mga nag invite sa`kin ng kainan..yeah! Mukhang nakikinita ko na ang pagtaba ko na naman..tsk! Pero ok lang..babawi na lang ako (:
cookies `n cream,
PRINCE
SEEMS OK.
i've been changing and changing and changing and changing (you got the idea! ) the layouts of my blogger and FS accounts and so far..i'm still not satisfied..haha! oh well, so far so good naman ang kinalabasan but i'll still figure out kung ano talaga gusto kong design (:
..this has really been a pleasant day because of three simple reasons:
♥got an A sa preliminary exam namin sa Philo O1 LOGIC.
(believe it or not, di ako nakastudy ng maayos sa exam na yun..tsk!
buti na lang at pumasa pa rin ako *evil laugh*.)
♥pumasa din yung Midterm ko sa Rizal (buti na lang! )
at..(drumrolls phuu-leasse!)
♥Sa WEDNESDAY pa ako bibigyan ng Special exam sa Math 10.2 ko..*evil laugh again!*--so sabi ng teacher namin na INC lang ilalagay sa report card namin ( sumimangot agad ako matapos akong magsaya..tsk! ) pero babaguhin din nya yun pag tapos na niyang i.calculate yung grades namin for Midterm..hehe! (:
cookies `n cream,
PRINCE
22.8.09
TIME'S UP!
tapos na ang exam week..kailangan ko ng simulang kabahan. kung ako lang naman ang tatanungin, okey lang na bumagsak. di naman ako nag.effort na mag-aral. pero hindi. kinakabahan ako dahil sa tiyuhin kong bakla. siya kasi ang nagpapaaral sa`kin. hindi naman sa inutil ang mga magulang ko. hindi lang talaga nila kayang tustusan ang pag-aaral ko. kaya eto ako ngayon, nasasadlak sa isang mapait na katotohanan. last chance ko na kasi ito. pitong subjects din ang hindi ko naipasa last sem..tsk! nagloko kasi ang mga teachers ko. kaya ngayon pag pumalpak na naman..di ko na alam kung saan ako pupulutin.
ilang beses ko na ring naisip na okey lang kahit hindi na ako papag-aralin ng tiyuhin ko. meron ngang iba dyan hindi na nakatuntong ng college. maswerte na `ko. pero hindi ko pa rin maalis sa dibdib ko ang takot. takot na baka sa kangkongan ako pupulutin kong hindi ako makakapagtapos. sayang rin ang pagkakataon dahil alam kong maraming magkakandarapang malagay sa sitwasyon ko para lang makapag-aral. Maswerte nga ako. kaya nga ba kahit papaano ay pinag-iigihan ko na rin. ang magpakatino at pumasok sa mga klase ko. masaya ring mag-aral paminsan-minsan. ramdam kong may kabuluhan ang buhay ko..na parte pa pala ako ng mundo. paminsan-minsan sinusundot din ng ako ng konsensya ko. lalo na pag naririnig ko ang malakas na paghilik ng tiyuhin ko tuwing gabi dahil sa pagod. maghapon kasi siyang nagtatrabaho sa parlor para lang matustusan kami ng dalawa kong kapatid sa pag-aaral at sa pang-araw-araw naming pangangailangan. minsan nga naisip ko..kung ako na lang kaya ang umalis? maghanp ng sariling trabaho at pag-aralin ang sarili ko total malaki na `ko. pero hindi. hindi ko magawa. gusto ko kasing patunayan sa kanya na sulit din and pagod niya sa`min. di man ako nakakapaglinis minsan sa bahay niya..at least wala naman akong mababang marka.
kaya kakayanin ko `to. para sa kanya. at higit sa lahat..para sa sarili ko. kung may mababang marka man ako sa midterm ngayon..may finals pa. may pag-asa pa ako ((:
cookies `n cream,
PRINCE







