22.8.09

TIME'S UP!


tapos na ang exam week..kailangan ko ng simulang kabahan. kung ako lang naman ang tatanungin, okey lang na bumagsak. di naman ako nag.effort na mag-aral. pero hindi. kinakabahan ako dahil sa tiyuhin kong bakla. siya kasi ang nagpapaaral sa`kin. hindi naman sa inutil ang mga magulang ko. hindi lang talaga nila kayang tustusan ang pag-aaral ko. kaya eto ako ngayon, nasasadlak sa isang mapait na katotohanan. last chance ko na kasi ito. pitong subjects din ang hindi ko naipasa last sem..tsk! nagloko kasi ang mga teachers ko. kaya ngayon pag pumalpak na naman..di ko na alam kung saan ako pupulutin.
ilang beses ko na ring naisip na okey lang kahit hindi na ako papag-aralin ng tiyuhin ko. meron ngang iba dyan hindi na nakatuntong ng college. maswerte na `ko. pero hindi ko pa rin maalis sa dibdib ko ang takot. takot na baka sa kangkongan ako pupulutin kong hindi ako makakapagtapos. sayang rin ang pagkakataon dahil alam kong maraming magkakandarapang malagay sa sitwasyon ko para lang makapag-aral. Maswerte nga ako. kaya nga ba kahit papaano ay pinag-iigihan ko na rin. ang magpakatino at pumasok sa mga klase ko. masaya ring mag-aral paminsan-minsan. ramdam kong may kabuluhan ang buhay ko..na parte pa pala ako ng mundo. paminsan-minsan sinusundot din ng ako ng konsensya ko. lalo na pag naririnig ko ang malakas na paghilik ng tiyuhin ko tuwing gabi dahil sa pagod. maghapon kasi siyang nagtatrabaho sa parlor para lang matustusan kami ng dalawa kong kapatid sa pag-aaral at sa pang-araw-araw naming pangangailangan. minsan nga naisip ko..kung ako na lang kaya ang umalis? maghanp ng sariling trabaho at pag-aralin ang sarili ko total malaki na `ko. pero hindi. hindi ko magawa. gusto ko kasing patunayan sa kanya na sulit din and pagod niya sa`min. di man ako nakakapaglinis minsan sa bahay niya..at least wala naman akong mababang marka.

kaya kakayanin ko `to. para sa kanya. at higit sa lahat..para sa sarili ko. kung may mababang marka man ako sa midterm ngayon..may finals pa. may pag-asa pa ako ((:



cookies `n cream,
PRINCE


3 blurts:

Marai said...

Dear Prince,

alam mo, ang swerte mo sa tiyuhin mo. kaya dapat ayusin na mag-aral (as if nag-aaral ako ng mabuti) hehe. ginagawa ng tiyuhin mo ang lahat, kaya dapat gawin mo din ang lahat.


ako nga, kinakabahan na rin. T__T

pero tama ka. may finals
pa. KAYA NATIN TO. !!!

Unknown said...

This is a good job and i really like it ..please keep it up..

Sheron

Cash Online Get Easy cash at your door step

ms. prince said...

SHERON: thanks! (: weew! ginanahan tuloy ako..hehe (: