27.8.09

HAPII FIESTA CAGAYAN DE ORO!

(kainan na naman `to..hehehe!)


Fiesta ng Cagayan de Oro city ngayon. Holiday. WALANG PASOK! Pero ewan ko ba kung anong nakain ko at gumising ako ng maaga, kumain, naligo, at sinuot ang uniform ko at VOILA! i'm ready for school. Ng sumakay na`ko ng motor, tinanong na kaagad ako ni mamang driver kung may pasok ba talaga kami ngayon. Hala! Mukhang nakikinita ko na ang campus na walang katao-tao. Pero tinawanan ko lang ang tanong ni mamang driver. Sinabi ko na lang na "ewan ko kuya, wala naman kasi akong narinig na announcement kahapon na talagang walang pasok ngayon". Tumawa na rin siya. Nang palapit na ang sinasakyan kong motor sa labas ng school namin, dun ko naisip na "tsk! nalintikan na! wala talaga!". Tumawa na naman si mamang driver at sinabing "wala nga" (sige..tawa ka lang..ipamukha mong sumablay na naman ako! tsk! ) . Mga guard lang nakita ko dun, half-closed pa yung gate. Nakita ko pa yng crush ko nung 1st year college na nagtatapon ng basura mula sa internet cafe na pinagtatrabahuan niya. Kinabahan din ako dahil baka makita niya ako kaya sinabi ko na lang kay mamang driver na doon na lang ako bababa sa may Water District sa unahan. Ng makababa na`ko, pinuntahan ko na lang yung friend ko na si Lorraine. Malapit lang kasi ang tinutuluyan niya doon. Doon na`ko nagpalipas ng oras..hehe! Pinag-aralan ko yung chords ng "YOUR CALL" ng The Second Serenade. Tawa ako ng tawa kasi di ako marunong mag-gitara..nahiya ako sandali. Pero pagkatapos kong halungkatin ang make-up kit niya at halos ubusin ang chocolate na inalok niya sa`kin..umuwi na rin ako.

At dahil sa wala akong magawa sa bahay..ito na naman ako ngayon. Tumitipa sa keyboard para isulat ang blog na`to at saka para na rin i-share ang mga pictures ko matapos akong mag camwhoring.











..hmm..fiesta ngaun pero parang Biyernes Santo.

..rarampa na naman ako mamaya..haha! baka may masasagupa na naman akong kainuman..tsk! pero uunahin ko muna yung mga nag invite sa`kin ng kainan..yeah! Mukhang nakikinita ko na ang pagtaba ko na naman..tsk! Pero ok lang..babawi na lang ako (:


cookies `n cream,
PRINCE

0 blurts: