MASARAP BALIK-BALIKAN.
Nung hiskul pa `ko, mahilig ako sa mga noyping banda pero ewan ko ba nung tumuntong ako ng college parang nagsawa na ako at nagsimulang tumangkilik ng mga hind-sariling-atin na mga banda. Naalala ko pa noon, napapa-headbang ako agad pag naririnig ko yung CHICKSILOG ng KAMIKAZEE. Napapangiti naman ako pag tumutugtog na ang PAROKYA NI EDGAR. At napapa-emote pag kinakanta ang GEMINI ng SPONGECOLA.
..nakaka-miss din pala.
Kaya ngayon muli akong makikinig at sisimulan ko sa Silent Santuary, ang bandang minsan pa mandin ay pinakilig ako ng todo-todo at nagdulot sa `kin ng munting saya sa tuwing napapakinggan ko ang mga kanta nila. (:


0 blurts:
Post a Comment