6.9.09

FULLY CHARGED. GAME ON.

So i just got back from the YFC Youthcamp and it was a total BLAST! [need i say more?! haha!]. Superrrr nag-enjoy talaga ako meeting new friends and at the same time learning much about Jesus. Ei super andami kong natutunan..pero di ko na to idedetalye pa dito.

i just hope that i will be strong enough to keep the faith.

*excited din ako sa mga pics..lalalala. [:


oo nga pala..yung crush ko andun din sa camp..haha! yun na!

xo,
PRINCE

3.9.09

iiwan ko muna ang blogsphere for a while.

YFC youthcamp will be tomorrow and i can`t wait..xuper excited to the highest sea level na talaga ito. i just hope na pagbibigyan ako ng uncle ko na sumali..hihi.


at saka..aayusin ko muna buhay ko para hindi naman lahat ng kagagahan ko na lang ang sinasabi ko dito.

mami-miss ko kau. lalo na kayo BECS, MARAI at si KRISTA rin..huhu! muah :X


cookies & cream,
PRINCE.

2.9.09

sinong emo?! ako?!

Hayy! bumabalik na naman yata ako sa pagiging emo. Sa pagiging whatever! hihi.
o baka siguro bored-to-death lang talaga ako ngayon.

Ewan.

`yan lang talaga ang paulit-ulit kong sinasabi sa araw na `to.


lumulutang na naman kasi ang utak ko. hmmp. maka bloghopping na nga lang.grrr!
kainis talaga me. supeerrr! haha. watttteeeeveeerrr!


ANO BANG SILBI (ng pag-aaral) KO??

So `ito na. Di ako nakapag-reflect sa sinabi kong awakening sa last post ko. Pero these past few days, hindi lang isang beses kong tinanong ang sarili ko kung bakit nga ba nabubuhay ako? Ano ba talaga ang silbi ko sa mundo? Tamang kalye pa ba ang binabaybay ko? Baka nawawala na ako at hindi na`ko makarating sa dapat kong patunguhan?..tsk! Ilan lang yan sa mga katanungang bumabagabag sa munti kong isipan. Ilang araw na rin kasi akong parang wala sa sarili. Imbes na makinig sa mga ginintuang aral ng mga profs, busy nako sa pagtipa sa keypad ng cp ko. Press send and wait for the reply. Ganun lang ang trip ko tuwing may klase. Pag nakailang check na`ko sa LCD ng cp ko at wala pang nakalagay na one (or more) messages received, saka ko aabutin ang pocketbook sa bag ko at yun naman ang pagkakaabalahan. Sa pagkakaalam ko, nagdidiscuss na yung Math teacher namin ng kinds of graphs at sa Philo naman, palaging binabanggit ni sir yung True or False at..doubtful ata yun. Pagdating sa bahay naman..ai! soundtrip lang. Iniisip kung gagawin ba talaga yung overdue na Big Book na pinapagawa ng Educ 40 teacher namin. Major.


Naalala ko pa bago `ko sinimulan ang semester na `to. May objective ako baka `kala mo..haha!

OBJECTIVE: To study well.
REASON: Para hindi madismaya ang family especially uncle ko.

Pero kalaunan para nalang itong promise. Made (o meant ba?) to be broken. Nawala. Nawala ang purpose ko kung bakit gumigising ako ng maaga. Nawala ang purpose kung bakit binibigyan ako ng baon ng uncle ko at kung bakit suot-suot ko ang uniform ko ngayon habang tinitipa ang post na `to. Nawala na rin ang silbi ng lahat ng aklat na binili ko sa sem na `to. At nawala na rin ang main purpose kung bakit naghihirap ang uncle ko sa pagtatrabaho.


Lost and not found. not YET.


Oo. May pag-asa pa naman na mahahanap ko ring muli ang purpose na yun. Kasama ang Panginoon..hahanapin ko yun. Hindi lang para sa pamilya ko. Hindi lang para sa uncle ko. Kundi para sa `kin. Sa ngayon, yung sa pag-aaral ko pa lang naman ang pilit kong hinahanapan ng sense of purpose. Alam ko, it's obvious. For my future, ika nga nila. Eh bakit?? yung iba nga diyan di naman nakapagtapos pero mukhang kailangan pa nga yata ng shades dahil sobrang bright ng future nila. Nasa pagsisikap lang naman yun. Hayyy..ewan. Ako lang yata nagpapahirap sa sarili ko.


tinatamad lang talaga siguro akong mag-aral. Malapit na rin kasi ang semi-fi.


kayo ba? may advice s mga tulad kong nawawala na sa landas? hahaha.



scat muna ako.



cookies and cream,
PRINCE



AY! NAWALA??

Sa wakas! medyo kontento na `ko sa layie ko! medyo pa lang naman..kahit medyo di ko pa rin ma-feel yung parang *ummmph*..pwede na rin siguro `to sa ngayon. (:

------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa wakas at naka-take na rin ako ng special exam kanina sa Math. Nanginig pa ang kamay ko habang sinasagutan yung test paper. Nakastudy (=scanning!) naman ako kaso kunti nga lang. Hindi ko na nga napag-aralan ang tungkol sa linear programming dahil baka sa mental na ang bagsak ko pag pinilit ko pa ang sarili kong intindihin yun..haha! Kaya ayon, nakasagot naman ako kaya lang yung iba hindi ko na binalak na sagutan. Hayy! Sino ba namang Pontio Pilato ang nagpasimula ng subject na `to?? Sabihin nyo nga at ng maipa-salvage ko na kaagad. Hindi ba niya alam kung anong hirap and dinaranas ng milyun-milyong estudyante ng dahil sa kagagawan niya?!! bwesit!

Pero, hind ang walang kamatayang Math frustrations ang ibabahagi ko sa post kong ito kundi ang kachurvahang ito:

LOST: YOUR SENSE OF PURPOSE.

BANG! I swear natigagal ako ng mabasa ko ito sa munting tarpulin na nakapaskil sa labas ng isang building sa school namin. Parang na.press rewind na bumalik ako sa paglalakad pabalik sa kung saan nakalagay ang tarpulin. Napaisip akong bigla. Pero sa susunod na post ko na lang isi-share yung saloobin ko tungkol sa munting awakening na `to. Marami pa kasi akong gagawin..hehe! (: [binitin ba naman??! haha..hmmp..magre-reflect muna ako tungkol diyan. Sabay hanap na rin sa sense of purpose ko.]