2.9.09

ANO BANG SILBI (ng pag-aaral) KO??

So `ito na. Di ako nakapag-reflect sa sinabi kong awakening sa last post ko. Pero these past few days, hindi lang isang beses kong tinanong ang sarili ko kung bakit nga ba nabubuhay ako? Ano ba talaga ang silbi ko sa mundo? Tamang kalye pa ba ang binabaybay ko? Baka nawawala na ako at hindi na`ko makarating sa dapat kong patunguhan?..tsk! Ilan lang yan sa mga katanungang bumabagabag sa munti kong isipan. Ilang araw na rin kasi akong parang wala sa sarili. Imbes na makinig sa mga ginintuang aral ng mga profs, busy nako sa pagtipa sa keypad ng cp ko. Press send and wait for the reply. Ganun lang ang trip ko tuwing may klase. Pag nakailang check na`ko sa LCD ng cp ko at wala pang nakalagay na one (or more) messages received, saka ko aabutin ang pocketbook sa bag ko at yun naman ang pagkakaabalahan. Sa pagkakaalam ko, nagdidiscuss na yung Math teacher namin ng kinds of graphs at sa Philo naman, palaging binabanggit ni sir yung True or False at..doubtful ata yun. Pagdating sa bahay naman..ai! soundtrip lang. Iniisip kung gagawin ba talaga yung overdue na Big Book na pinapagawa ng Educ 40 teacher namin. Major.


Naalala ko pa bago `ko sinimulan ang semester na `to. May objective ako baka `kala mo..haha!

OBJECTIVE: To study well.
REASON: Para hindi madismaya ang family especially uncle ko.

Pero kalaunan para nalang itong promise. Made (o meant ba?) to be broken. Nawala. Nawala ang purpose ko kung bakit gumigising ako ng maaga. Nawala ang purpose kung bakit binibigyan ako ng baon ng uncle ko at kung bakit suot-suot ko ang uniform ko ngayon habang tinitipa ang post na `to. Nawala na rin ang silbi ng lahat ng aklat na binili ko sa sem na `to. At nawala na rin ang main purpose kung bakit naghihirap ang uncle ko sa pagtatrabaho.


Lost and not found. not YET.


Oo. May pag-asa pa naman na mahahanap ko ring muli ang purpose na yun. Kasama ang Panginoon..hahanapin ko yun. Hindi lang para sa pamilya ko. Hindi lang para sa uncle ko. Kundi para sa `kin. Sa ngayon, yung sa pag-aaral ko pa lang naman ang pilit kong hinahanapan ng sense of purpose. Alam ko, it's obvious. For my future, ika nga nila. Eh bakit?? yung iba nga diyan di naman nakapagtapos pero mukhang kailangan pa nga yata ng shades dahil sobrang bright ng future nila. Nasa pagsisikap lang naman yun. Hayyy..ewan. Ako lang yata nagpapahirap sa sarili ko.


tinatamad lang talaga siguro akong mag-aral. Malapit na rin kasi ang semi-fi.


kayo ba? may advice s mga tulad kong nawawala na sa landas? hahaha.



scat muna ako.



cookies and cream,
PRINCE



0 blurts: