AY! NAWALA??
Sa wakas! medyo kontento na `ko sa layie ko! medyo pa lang naman..kahit medyo di ko pa rin ma-feel yung parang *ummmph*..pwede na rin siguro `to sa ngayon. (:
------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa wakas at naka-take na rin ako ng special exam kanina sa Math. Nanginig pa ang kamay ko habang sinasagutan yung test paper. Nakastudy (=scanning!) naman ako kaso kunti nga lang. Hindi ko na nga napag-aralan ang tungkol sa linear programming dahil baka sa mental na ang bagsak ko pag pinilit ko pa ang sarili kong intindihin yun..haha! Kaya ayon, nakasagot naman ako kaya lang yung iba hindi ko na binalak na sagutan. Hayy! Sino ba namang Pontio Pilato ang nagpasimula ng subject na `to?? Sabihin nyo nga at ng maipa-salvage ko na kaagad. Hindi ba niya alam kung anong hirap and dinaranas ng milyun-milyong estudyante ng dahil sa kagagawan niya?!! bwesit!
Pero, hind ang walang kamatayang Math frustrations ang ibabahagi ko sa post kong ito kundi ang kachurvahang ito:
LOST: YOUR SENSE OF PURPOSE.
BANG! I swear natigagal ako ng mabasa ko ito sa munting tarpulin na nakapaskil sa labas ng isang building sa school namin. Parang na.press rewind na bumalik ako sa paglalakad pabalik sa kung saan nakalagay ang tarpulin. Napaisip akong bigla. Pero sa susunod na post ko na lang isi-share yung saloobin ko tungkol sa munting awakening na `to. Marami pa kasi akong gagawin..hehe! (: [binitin ba naman??! haha..hmmp..magre-reflect muna ako tungkol diyan. Sabay hanap na rin sa sense of purpose ko.]
sksk
7 years ago


0 blurts:
Post a Comment